Wednesday , August 10 2022
Rhenz Abando Dwight Ramos

Rhenz Abando pumalit kay Dwight Ramos sa line-up ng Gilas

MANILA, Philippines – Kinumpleto ng reigning NCAA Most Valuable Player Rhenz Abando ang roster ng Gilas Pilipinas para sa 2022 FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia.

Para kay Abando,  hindi niya itinuturing na panakip-butas lang siya sa pagkawala ni Dwight Ramos dahil sa injury dahil  naniniwala siya sa kanyang kakayahan na malaki ang maitutulong niya sa Gilas sa magiging kampanya ng team  para sa FIBA Asia Cup.

Inaprubahan sa   technical committee meeting nung Lunes ng gabi ang pagsali  ni Abando sa line-up ng Gilas dahil na-injured si Ramos,  ayon kay Gilas Pilipinas team manager at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP)                 deputy executive director Butch Antonio.

Dahil sa pagpasok ni Abando sa Team Philipines ay nakumpleto na ang 12-man roster para sa kanilang kampanya sa FIBA Asia.

Makakasama niya sa team ang magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena, Ray Parks, Poy Erram, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Carl Tamayo, Will Navarro, Kevin Quiambao, Francis Lopez at Geo Chiu.

About hataw tabloid

Check Also

Chess

Prince Maverick naghari sa GM Balinas Training Center 1st Anniversary

NAGPAKITANG GILAS ang 19-anyos na si Prince Maverick Cornelio ng Poblacion, Pamplona matapos makaipon ng …

Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating …

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, …

3x3 Wheelchair Basketball ASEAN Para Games

PH cagers tinalo ang Indons sa 3×3 Wheelchair Basketball

SURAKARTA, Indonesia – Inasahan si Alfie Cabanog sa inside game para talunin ng Team Philippines …

Buenaflor Cruz ASEAN Para Games Go for Gold

Hamon ni Buenaflor Cruz sa Pinoy bets “Go for Gold”

SURAKARTA, Indonesia – “Let’s go for the  gold!” ito ang hamon ni Buenaflor Cruz, ang …