Saturday , June 25 2022
Marian Rivera Sanya Lopez

Sanya thankful kay Marian: ginagawa ko ang lahat for her

RATED R
ni Rommel Gonzales

INILAHAD ni Sanya Lopez na iniaalay niya ang pilot episode ng First Yaya kay Marian Rivera, na siyang first choice na gumanap bilang si Melody sa Kapuso series.

“Sa totoo lang po, nag-message po ako kay ate Marian. Hindi ko lang po alam kung nabasa niya. Pero sinabi ko roon, pilot episode ‘yun ng ‘First Yaya,’ sabi ko, I’m very thankful sa kanya, at ginagawa ko ang lahat, ibinibigay ko ang best ko rito sa ‘First Yaya,’ para sa kanya,” sabi ni Sanya sa isang panayam sa kanya.

Ayon kay Sanya, kasama rin si Marian sa tagumpay ng First Yaya dahil sa magandang pagtanggap ng viewers nang ipalabas ito noong nakaraang taon.

“Sabi ko, I mean, ayokong mapahiya sila na ako ‘yung pinili nila. So gusto kong mapatunayan na kaya natin ito, at kasali ka roon Ms. Marian. So hindi ko alam kung nabasa niya,” sabi ni Sanya.

Si Marian ang unang napili na maging leading lady sa First Yaya na si Melody, ang yaya ng mga anak ng nabyudong Philippine President na si Glenn Acosta (Gabby Concepcion).

Mula sa pagiging yaya, nauwi sa pag-iibigan ang relasyon nina Melody at President Acosta. Gayunman, mabigat sa kalooban na umatras si Marian sa proyekto dahil hindi niya kayang iwan nang matagal ang mga anak sa lock-in taping.

“Sa totoo lang, ibinigay po siya sa akin. Nagulat lang din po ako,” sabi ni Sanya.

“Ang pinaka-nagulat ako, ‘Akala ko po si Ms. Marian?,'” pagtataka raw noon ni Sanya.

Noong sinabi na ako na raw po ang gaganap bilang First Yaya, siyempre po thankful po talaga ako, nagulat din ako kung ano ang nangyari. But naiintindihan ko rin po ang sitwasyon ni Ms. Marian,” anang aktres.

Dahil sa tagumpay ng First Yaya, sinundan ito ngayon ng First Lady, nang napangasawa na ni Melody si President Acosta.

Sa kabilang banda, nalungkot si Sanyasa pagpanaw ng alaga niyang aso na si Jong Jong.

Sa Instagram, nag-post si Sanya ng mga larawan ni Jong Jong bilang pagpupugay sa kanyang mahal na alaga.

Inihayag ni Sanya na sobra niyang mami-miss ang alaga.

“Wala [nang] makikipag unahan sa’kin sa treadmill. Yung ikaw lang yung laging nakatingin sa camera ‘pag may picturan na. Ikaw laging unang nakakaramdam ‘pag may pinagdadaanan ako,” saad niya.

Wala [nang] manonood sa’kin at iki-kiss ako ‘pag umiiyak ako. I love you so much, Jong Jong. Sobrang sakit na mawala ka sa’min. Thank you sa panahon na pinahiram ka sa’min para pasayahin kami,” patuloy pa ng aktres.

Kabilang sa mga nagpaabot ng pakikiramay kay Sanya ang kapatid niyang si Jak Roberto, Cassy Legaspi, at Kakai Bautista.

Maraming netizens din ang naka-relate sa naramdaman ni Sanya. 

About Rommel Gonzales

Check Also

Darren Espanto abs

Darren ibinando ang abs, bagong image ihahataw

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG magiging pantasya na ng mga kababaihan lalo na ng …

Sarah Geronimo

Sarah G. Kapamilya pa rin, balik-ASAP sa Hulyo

MA at PAni Rommel Placente SA balitang nakuha na ng GMA 7 ang rights para maipalabas sa …

Lance Raymundo High On Sex

Lance Raymundo, napaso ang manoy sa seryeng High On Sex

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Lance Raymundo sa casts ng High On Sex na …

Rufa Mae Quinto Kelvin Miranda Abdul Rahman Shaun Salvador

Shaun balik-showbiz ngayong tapos na sa pag-aaral

MATABILni John Fontanilla MALAPIT nang mapanood ang kauna-unahang sitcom sa GTV, ang TOLS na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda, Abdul …

John Lloyd Cruz

John Lloyd tumanda ang hitsura 

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang hindi nakakilala kay John Loyd Cruz nang pumasyal ito sa isang museum …