Saturday , June 25 2022
Joey Marquez Winwyn Marquez

Joey kinompirma Winwyn ikakasal ngayong taon

RATED R
ni Rommel Gonzales

SINABI ng veteran actor na si Joey Marquez na engaged na ang anak niyang si Winwyn sa non-showbiz partner nito.

Sa media conference ng upcoming series na Bolera, sinabi ni Joey na ibinigay na niya sa dalawa ang kanyang basbas para magpakasal.

“Nag-propose na, nagpaalam sa akin. Expected ko naman ‘yun dahil childhood sweetheart niya, eh,” ani Joey.

Sinabi pa ng aktor na noon pa magkakilala sina Winwyn at nobyo nito, at mag-best friend din ang dalawa.

“Medyo natigil lang kasi nagkalayo sila ng propesyon, nagpribado ang isa, tapos nagkita ulit,” kuwento ni Joey.

Nang tanungin kung kailan ang kasal, sinabi ni Joey na gagawin ito ngayong taon.

Kamakailan lang ay isinilang ni Winwyn ang first baby nila ng kanyang nobyo na si Luna.

About Rommel Gonzales

Check Also

Darren Espanto abs

Darren ibinando ang abs, bagong image ihahataw

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG magiging pantasya na ng mga kababaihan lalo na ng …

Sarah Geronimo

Sarah G. Kapamilya pa rin, balik-ASAP sa Hulyo

MA at PAni Rommel Placente SA balitang nakuha na ng GMA 7 ang rights para maipalabas sa …

Lance Raymundo High On Sex

Lance Raymundo, napaso ang manoy sa seryeng High On Sex

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Lance Raymundo sa casts ng High On Sex na …

lotlot de leon nora aunor

Sa mga Maritess na naghahanap 
LOTLOT DINAMAYAN SI NORA SA OSPITAL

HARD TALKni Pilar Mateo HANGGANG ngayon ba? Ang dami pang nag-bash sa conferred ng National …

Joel Lamangan Ate Gay

Ate Gay ipinahanap, personal choice ni Direk Joel sa isang role

HARD TALKni Pilar Mateo ABOT-LANGIT siyempre ang pagpapasalamat ng komedyanteng si Ate Gay sa sunod-sunod na pagdating …