Saturday , June 25 2022
Mikee Quintos Paul Salas

Paul gagamitan ng tradisyonal na panliligaw si Mikee

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ni Paul Salas na nagsimula na siyang manligaw kay Mikee Quintos. Inamin ito ng batang aktor sa  podcast ni Pia Arcangel na Suprise Guest With Pia Arcangel.

Ani Paul, “After lang, doon kami nagkaligawan, doon lang kami sa papunta ng dating side na.

“Nakita lang din namin ang connection namin na minsan, ‘pag sa taping nag-uusap kami ang tagal na pala, hindi na namin alam, ganoon.”

Dagdag pa ni Paul, dahan-dahan lang ang kanilang ligawan dahil long-term ang  iniisip niya.

“Hindi kami nagmamadali, kumbaga gusto namin sure na. Kumbaga, pa-25 na po ako, so gusto ko, parang kung ito naman, gusto ko ito na ‘yung last.”

Kung ‘yung ibang lalaki ay thru chat o text kung manligaw, si Paul ay gusto ng tradisyonal na ligawan.

“Gusto ko kung liligawan ko siya, gusto ko makilala agad ang parents niya, ipaalam na manliligaw ako, ipaalam na gusto ko ‘yung anak nila, ganoon.

“Nasa ganoong side pa rin po ako, nasa may old-school type na parang kung puwede nga lang haharanahin ko siya,” aniya pa.

About Rommel Placente

Check Also

Darren Espanto abs

Darren ibinando ang abs, bagong image ihahataw

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG magiging pantasya na ng mga kababaihan lalo na ng …

Sarah Geronimo

Sarah G. Kapamilya pa rin, balik-ASAP sa Hulyo

MA at PAni Rommel Placente SA balitang nakuha na ng GMA 7 ang rights para maipalabas sa …

Lance Raymundo High On Sex

Lance Raymundo, napaso ang manoy sa seryeng High On Sex

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Lance Raymundo sa casts ng High On Sex na …

Rufa Mae Quinto Kelvin Miranda Abdul Rahman Shaun Salvador

Shaun balik-showbiz ngayong tapos na sa pag-aaral

MATABILni John Fontanilla MALAPIT nang mapanood ang kauna-unahang sitcom sa GTV, ang TOLS na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda, Abdul …

John Lloyd Cruz

John Lloyd tumanda ang hitsura 

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang hindi nakakilala kay John Loyd Cruz nang pumasyal ito sa isang museum …