Thursday , May 26 2022
Alfred Montero Ahron Villena

Ahron Villena, happy sa shooting ng pelikulang Bakas ni Yamashita

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Ahron Villena na nag-enjoy siya sa shooting ng pelikulang Bakas ni Yamashita.

Aniya, “Eto po ang una kong ginawa na action-adventure film, enjoy ako kasi magaan katrabaho iyong mga co-actors ko. Kakaibang Ahron ang makikila nila rito kaya dapat abangan.”

Pahabol pa ni Ahron, “Nag-enjoy ako dahil kahit malayo iyong lock-in shoot namin, everyday ako mayroong shoot, walang pahinga. Pero kapag rest day ng lahat, doon ako bumabawi ng pahinga.

“Sa totooo lang. nakakapagod din ang shooting namin, kasi puro takbo lahat, tapos action pa. Pero sobrang na-enjoy ko iyong experience rito.”

Ang Bakas ni Yamashita ay hatid ng White Eagle Films Productons. Ito ay isinulat ni Bill Velasco at mula sa pamamahala ni Direk Danni Ugali.

Sina Alfred Montero at Ahron ang tampok sa pelikulang ito.

Kasama rin sa casts ng Bakas ni Yamashita sina Dexter Doria, Lou Veloso, Archi Adamos, Angie Montero, Simon Ibarra, Toni Co, Joshua de Guzman, Christa Jocson, at iba pa.

Nabanggit din ng aktor na labis ang pasasalamat niya dahil kahit pandemic ay patuloy ang pagdating sa kanya ng mga proyekto.

“Sobra akong thankful, kasi kahit pandemic ay ang daming work na pumapasok. Since pagpasok ng year 2022, sunod sunod din ang pasok ng trabaho talaga, kaya sobra akong blessed talaga,” masayang wika pa ni Ahron.

Si Ahron ay mapapanood din sa seryeng Love in 40 Days, starring Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Isa sa kontrabida ang role rito ng actor.

About Nonie Nicasio

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …