Thursday , June 4 2026
Kim Rodriguez

Kim Rodriguez reynang-reyna tuwing sumasagala 

MATABIL
ni John Fontanilla

PINAGKAGULUHAN sa ginanap na Sagala sa Bulacan si Kim Rodriguez kamakailan.

Sumagala ang aktres bilang Reyna ng Kapayapaan suot ang magarang gown na ginawa ni Marvin Tito Marbs Garcia ng Marvin Garcia Collection. Reynang-reyna ang dating ni Kim sa gown.

“Iba talaga ang pakiramdam ko sa tuwing sasagala ako, kasi reynang-reyna ang pakiramdam lalo na’t  bongga ang suot mong gown.

“Kaya nga lagi kong inaabangan ang buwan ng Mayo, dahil ito ang buwan ng sagalahan na feel ko na isa akong reyna,” ani Kim.

Bukod sa nasabing sagala, naging mabenta rin si Kim sa mga campaign at fiesta sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Abala rin ito sa pagpapatakbo at pagpapayabong ng kanyang mga negosyo at guesting sa mga show ng Kapuso Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …