Gerald Anderson Jalai Laidan

Gerald pinasaya ang P.A. na nagdiwang ng kaarawan 

MATABIL
ni John Fontanilla

TINUPAD ni Gerald Anderson ang matagal nang pangarap na motorsiklo ng kanyang personal assistant.

Labis-labis ang kasiyahan at very thankful kay Gerald ang kanyang personal assistant na si Jalai Laidan na niregaluhan niya ng Yamaha Aerox 155 na nagkakahalaga  ng  mula P112,900 hanggang P132,000 nang magdiwang ito ng kaarawan kamakailan.

Dream come true kay Jalai ang motorsiklo na matagal nang gustong magkaroon, kaya naman sa labis na tuwa ay ‘di nito napigilang magtatalon at mapayakap kay Gerald.

Post ni Gerald ng kanyang video sa Instagram, “Matagal na niyang pangarap ‘yan so pagbibigyan naman natin siya.” 

Nagpasalamat naman si Jalai kay Gerald. “Maraming salamat sa lahat po! Dream come true! Thank you so much my boss my brother!”