All Out Sundays

All Out Sundays tatanggap na ng live audiences

I-FLEX
ni Jun Nardo

MAKAKAPASOK na ang live  audience sa GMA Studio simula sa Linggo, April 24, sa All Out Sundays.

Pero kailangang sundin ang mechanics na nakalagay sa social media account ng GMA–register, fully vaccinated at dalhin ang vaccine ID at isang government ID, 18 years old and above.

Mag-register sa dates na ito– April 24 – 10:00 a.m.-2:00 p.m.; 5:00-9:00 p.m.; April 25 – 11:00 a.m.-3:00 p.m.; 5:00-9:00 p.m..

Makatatangap ng SMS ang qualified studio audience at ipakita sa entrance sa designated schedules. Bawal ang walk in.