Saturday , May 21 2022
Vivian Velez MMFF Edith Fider Wowie Roxas

Vivian iginiit pamamahala sa MMFF ilipat sa taga-industriya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI itinago ni Vivian Velez na nalulungkot siya dahil walang pambato ang Pilipinas sa 2022 Oscars ngayong Marso para sa Best International Feature Film.

Sa pakikipanayam ng ilang entertainment press kay Vivian sa launching ng Isang Pilipinas movement, na dinaluhan ng mga supporter ni presidential bet Isko Moreno na sina Edith Fider at Daddy Wowie Roxas para ihayag ang pagsuporta nila sa  binuong coalition, inamin nito ang pagkadesmaya na hindi na naman makapagpapadala ng pambato ang ‘Pinas.

Kuwento ni Vivian, inilapit na niya kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Dino-Seguerra ito dahil walang pera ang kanyang ahensiyang pinamamahalaan. Wala silang pera dahil hindi pa naibibigay ng MMDA ang kanilang share bilang isa sa benepisyaryo ng ahensiya.

Kaya nga nasabi ni Vivian na dapat ibigay sa taga-industriya ang pamamahala ng Metro Manila Film Festival(MMFF) at alisin sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para mas maging maayos ang pamamahala rito.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Moira dela Torre Kathniel

Kumpas ni Moira ginawa para sa KathNiel at sa 2G2BT 

 OPISYAL nang inilabas ni Moira dela Torre ang comeback single niyang Kumpas na nagsisilbing theme song ng bagong ABS-CBN …

KD Estrada Flex

KD Estrada bagong image sa Flex 

TIYAK na marami ang nagulat sa bagong KD Estrada na nakita sa digital video magazine ng Star Magic, …

Elijah Canlas Kokoy de Santos Gameboys 2

Gameboys 2 maraming surprises! — Direk Perci Intalan

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga TINIYAK ni Direk Perci Intalan na maraming sorpresang dapat abangan ang fans sa The …

Lunch Out Loud LoL

Marites segment ng LOL nakaaaliw

MA at PAni Rommel Placente NAG-ENJOY kami ng kaibigan at kasama sa panulat na si Melba …

Sharon Cuneta Regine Velasquez

Friendship nina Sharon at Regine bumilang na ng maraming taon

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya kung bakit bumibilang …