Thursday , June 4 2026
Melissa Gohing Rocco Nacino Sanya Lopez

Melissa suportado ang balik-tambalang Rocco at Sanya 

RATED R
ni Rommel Gonzales

MASAYANG-MASAYA si Rocco Nacino na muli niyang nakatrabaho ang dati niyang on-screen partner na si Sanya Lopez sa top-rating GMA Telebabad series na First Lady.

Ayon kay Rocco, wala silang naging ilangan ni Sanya nang magkaroon sila ng eksena. Huli pa kasi silang nagkasama noong 2028 sa Haplos.

First time ko makakatrabaho si Gabby, and si Sanya, proud to say na siya ‘yung una kong katambal noong ‘Encantadia,’ that was five years ago,” saad ni Rocco.

So it’s nice to see how much Sanya has grown and I’m very, very excited na makita kung paano umatake si Sanya sa mga eksena ngayon, and seeing the success of ‘First Lady,’ very excited ako sa magiging ganap dito.

“Although medyo kapa pa ako kasi kakatapos ko pa lang ng heavy drama na series so matagal kong kausap si Direk L.A. [Madridejos] as to how to attack this character,” aniya.

Sa First Lady, gagampanan ni Rocco si Mayor Moises, ang guwapong rising star mayor na may mataas na political ambition.

Dagdag ni Rocco, “But noong in-offer sa akin, very interesting, I like kung ano ang maibibigay ni Mayor Moises.”

Para naman kay Sanya, masaya siya na muling makatrabaho ang dating ka-love team matapos ang ilang taon.

Saad niya, “I’m very excited na makatrabaho ulit si Rocco kasi medyo matagal-tagal na rin po kaming hindi nakapagsama.”

Siya po ‘yung pinakamarami kong teleserye na ka-partner ko si Rocco so excited po kami,” dagdag ni Sanya.

Na-link noon sina Rocco at Sanya sa isa’t isa pero paliwanag ni Rocco ay matagal nang naayos ang gusot nilang dalawa.

Sa katunayan, very suupportive ang asawa ni Rocco na si Melissa Gohing sa muli nilang pagsasama sa iisang proyekto.

Aniya, “Kung hindi siya supportive, wala po ako rito, hindi ko po tatanggapin ‘to kasi nirerespeto ko rin kung ano mararamdaman niya.

“But she’s very supportive, alam niya kung trabaho, trabaho. And kilala naman niya si Sanya, she met her a few times already. Wala namang problema, she was actually excited for me na makapasok ako rito sa serye na ‘to,”pagtatapos ni Rocco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …