Sunday , February 25 2024
Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila ng boyfriend niyang si Rambo Nunez tungkol sa kasal pero walang malinaw kung kailan ito magaganap dahil tanging Diyos lamang ang nakaaalam.

Pero ang sigurado ay ang pagni-ninang ni Beautederm CEO and President Rei Anicoche Tan at sagot nito ang reception kaya napa-wow ang lahat ng dumalo sa face to face launching ni Maja bilang brand ambassadress ng Reiko at Kenzen health boosters sa Novotel Araneta City, Cubao nitong Huwebes, Nobyembre 25.

 Tanong “Payag ka bang maging ninang?”

Mabilis namang tugon ni Rei, “Yes! Sagot ko ang reception! Ha, ha, ha ha!”

Samantala, aminado si Maja na sumakto na siya ang kinuhang endorser ng Reiko at Kenzen health boosters dahil kaliwa’t kanan ang ginagawa niya at mahilig siyang mag-segue.

Nabangit na kailangang bigyan niya ng energy boosters si John Lloyd Cruz dahil sa rami ng trabaho nito ngayong balik-showbiz na siya at sleep enhancer para ‘pag pinak-ap na ay uuwi at matutulog.

“Hindi po kasi umuuwi kaagad, hinihintay matapos ang lahat.”

Maganda ang formula ng Reiko at Kenzen Beautéderm Health Boosters dahil isang taon itong inaral para magkaroon ng balanse at malusog na pamumuhay sapagkat kinabibilangan ito ng pitong FDA-notified and all-natural health supplements.

Ang Kenzen Bacopa Monniera + Centella Asiatica (Memory Booster) MeMax, na mayroong Phosphatidylserine, Bacopa Monniera, Centella Asiatica, at Lutein at pati na rin ng Silicone Dioxide Starch, Stearic Acid, at Calcium na kilala sa kakayanan nitong mag-boost ng brain function, mag-enhance ng memory function, at mag-prevent ng memory loss;

Kenzen BioDopa + Rosemary (Energy Booster) VivaGen, na mayroong Mucuna Pruriens extracts, Rosemary, at Maca and Guarana extracts – na tumutulong sa pagpapababa ng stress at sa pag-maintain ng physical at psychological vitality; Kenzen Vitamin C + Zinc (Immunity Booster) Z Plus na mayroong Vitamin C o ascorbic acid at pati na rin ng Zinc na mahalaga sa growth, development, at repair ng lahat ng mga body tissues;

Reiko Valeriana Officinalis + L-theanine (Sleep Enhancer) SomNest, Valeriana Officinalis extracts, 98% L-theanine, at GABA (Gamma Aminobutyric Acid) na lahat ay mainam para sa insomnia;

Reiko Vitamin D + Grape Seed (Sun Protection Enhancer) PrestoSol, na mayroong Vitamin D, Grape Seed extracts, Amla extracts, at Rosemary extracts;

REIKO Coffee Bean + Salacaia (Diet Enhancer) Slimaxine mayroong Coffee Bean extracts, Salacia extracts, at Ginger extracts;

At REIKO Andrographis + Ginger (Digestion Enchancer) Fitox, na mayroong Andrographis at Ginger Plus Curcumin na nagpipigil sa mga flu virus na kumapit sa cells ng katawan at isa ring natural appetite suppressant habang kinokontrol ang sugar levels respectively.

Sabi ni Maja, “malaking blessing ang Beautéderm at honored ako to be a brand ambassador of Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters.”

Sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at TikTok; at @beautedermcorp sa Twitter; i-like ang Beautéderm sa Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

About Reggee Bonoan

Check Also

Krystall herbal products

Asthmatic na businesswoman pinaginhawa ng Krystall products,

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Magandang araw po …

Anthony Davao

Pamangkin ni Ricky na si Anthony Davao may K magpa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales WALA pa sa showbiz ay nakakasama na namin ang Vivamax actor na si Anthony …

Mr DIY Feat

Connecting Hearts through MR.DIY Acts Of Kindness
A 3-leg CSR Milestone Celebration in Panglao Bohol

Volunteers took part in planting mangrove seedlings along Doljo’s Coastal area, marking the initial phase …

Kyline Alcantara Paul Salas Michael Sager Roxie Smith Jayson Gainza

Shining Inheritance stars naki-fiesta sa Abra

RATED Rni Rommel Gonzales LALONG naging makulay at fun-filled ang selebrasyon ng Dapil Festival sa Abra City, …

Jasmine Curtis-Smith Rayver Cruz Martin del Rosario Liezel Lopez

Jasmine at Rayver pinagkaguluhan, tinilian ng mga taga-Baguio

RATED Rni Rommel Gonzales TALAGA namang very special ang selebrasyon ng Panagbenga Festival this year dahil naki-join …