Wednesday , August 17 2022
Janina Raval

Janina Raval tatapatan ang pagpapa-sexy ni AJ Raval

HARDTALK
ni Pilar Mateo

ALAM niyang hindi naman siya nagkakamali sa pinanghahawakan niyang intensiyon sa pagsalang sa mundo ng showbiz. Ang patuloy na makatulong sa mga naghahanap-buhay din dito.

Kahit nga may lumoko na sa kanya sa binuhusan niya ng investment financially sa isang proyekto, hindi ‘yun naging dahilan para ang mailuluklok no nga sa poder ng matitinong producer gaya ni Harley Li ay mawalan ng loob at umatras sa patuloy pa ring paggawa ng pelikula.

Nakausap namin si Harley, si direk Danni Ugali at ang mga artistang bibigyan nila ng pagkakataon sa Just Da 2 Of Us ng Stardohm Productions.

“Gusto ko pa ring makatulong sa mga tao rito. Kasi, marami sa kanila ang alam naman natin na ang intensiyon eh, para sa kapakanan ng bawat pamilya.”

Isang Registered Nurse si Harley at ilang panahon ding nagsilbi sa bansang Dubai. Pero nang magbalik siya rito, at nakakilala ng mga nagyaya sa kanya to invest in doing a movie, nakita naman ni Harley na maganda rin ‘yung maging instrumento siya na makapagbigay ng mga pelikulang tatatak sa puso ng manonood.

‘Yun nga lang natapat siya sa palpak.

Pero sabi nga, kapag may nawala, may darating na kapalit na baka mas makabuluhan po.

Kaya ang partnership with direk Danni came to be.

At tila everything is falling into place at pati ang mga artista na kinuha nila para sa screenplay ni direk Arlyn dela Cruz na napapanahon at akma sa mga karakter na gagampanan nila.

Ipakikilala si Janina Raval na ang leading man ay si Ahron Villena. At sasamahan sila ng mga bagong mukha gaya nina Ja Alonzo, Bren Cuenca, Steve Hankz, Joshua de Guzma, at Tiffany Rance. Na susuportahan nina Marina Benipayo, Ricardo Cepeda, Melissa Mendez, Archi Adamos, at Lyka Queen na si Toni Co.

Kuwento ng dalawang angkan sa politika ang iikutan ng istorya na papalooban ng lovestory ng mga bida. At iikutan ng sari-saring makukulay na katauhan. 

Hindi na ba maisasalba ni Harley ang una niyang pelikula o wala na ba siyang planong ituloy pa ito?

“Hindi ako nanghihinayang sa nagastos ko na, Tita. Na umabot sa halos kalahating milyon. Ang binigyan namin ng focus doon were influencers. At lahat ng hiniling ng director to the production ibinigay ko. Thinking na ‘yun naman talaga mga kailangan. Hotel accommodations, catering everyday. And lahat were fully paid. Pero, wala. Umalis na lang at binitawan. Alangan naman ‘yung cinematographer lang ang magtuloy. May babaguhin sa editing and everything. Kaya, hindi na lang.”

Inusisa namin kay Harley ang ngalan ng direktor. Mas maganda na nga na huwag na kang banggitin at baka pa sumikat. Ni hindi ko nga maintindihan sa haba. Kaya bahala na lang daw si Lord sa taong ito. Na sana huwag na gawin pa uli sa iba.

Now on a fresh start, positibo ang outlook ni Harley sa proyekto with direk Danni na hindi naman makukuwestiyon ang kredebilidad sa mga nagawa ng pelikula in the past.

Si Janina, na supling nina Monica Herrera at Jeric Raval at half-sister ng inilunsad na sa Viva na si AJ Raval eh handang-handa na sa mga sasalangan ding daring scenes in the movie.

Kung mabibigyan nga siya ng chance, oo naman, just like her Mom, plano niya ring sumali sa beauty pageant in the years to come. Keri pa naman!

Siyempre, kung may very proud sa kanya sa pinasok niya ngayon ay ang Mommy niya na kamakailan ay na-stroke at nagpapagaling na nang husto.

About Pilar Mateo

Check Also

Ima Castro Sephy Francisco JC Juco Funpasaya sa Fiesta, Parine Na 2022

Ima, Sephy, at JC magpapasaya sa Funpasaya sa Fiesta, Parine Na! 2022

MATABILni John Fontanilla MAGBIBIGAY-SAYA sina Ima Castro at Sephy Francisco sa Funpasaya sa Fiesta, Parine Na! 2022 na gaganapin sa Barangay …

Jaya House Burn

Jaya huming ng tulong matapos masunog ang bahay sa US

MATABILni John Fontanilla MALUNGKOT si Jaya sa pagkasunog ng kanilang tahanan sa Amerika. Anito, “The last time we …

Coco Martin FPJ’s ANG PROBINSYANO

FPJ’S Ang Probinsyano finale winasak ang Youtube record, trending pa 

TINUTUKAN at pinag-usapan ng sambayanang Filipino ang pambansang pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyanona nakapagtala ng  all-time high record na …

AQ Prime AMBS2

AQ Prime gustong makipag-collab sa AMBS 2

MATABILni John Fontanilla NAGING matagumpay ang launching ng AQ Prime streamingapp na maghahatid ng magaganda, de kalidad, …

Sean de Guzman The Influencer

Sean de Guzman may obsessed fan 

MATABILni John Fontanilla NAKARE-RELATE sa kanyang pinagbibidahang pelikula si Sean de Guzman, ang The Influencer kabituin si Cloe Barreto hatid …