Thursday , August 18 2022

P.2-M shabu nabisto sa dalawang tulak sa Vale

HOYO ang kinahinatnan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, dakong 2:40 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madre­galejo, sa ilalim ng panganga­siwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria, Jr., ng buy bust operation sa Silangan Park, Brgy. Marulas.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon kay Julius Policarpio, alyas Jojo, 41 anyos, ng P1,500 halaga ng droga at nang tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba.

Nasamsam kay Policarpio ang halos 25 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P170,000, buy bust money na isang tunay na P500 at 2 pirasong P500 boodle money, P300 cash, at cellphone.

Sa Brgy. Malinta, timbog din ng kabilang team ng SDEU si Roel Nablo, alyas Bagnoy, 44 anyos, sa buy-bust operation sa Matatag St., Area 3, Pinalagad dakong 1:00  am.

Ayon kay P/SMSgt. Fortunato Candido, nakompiska sa suspek ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P34,000, P500 buy bust money, P500 cash, at cellphone.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Angelica Panganiban Camille Prats

Angelica inamin nagkaroon ng trauma ‘pag nadadagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Angelica Panganiban sa Youtube vlog ng kaibigan na si Camille Prats, ay …

Vico Sotto

MAYOR VICO PANG ‘SENIOR’ NA ANG TUHOD
Binawalan ng sobrang paglalakad

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi …

Joel Villanueva Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan

Sa ika-444 anibersaryo ng pagkatatag ng Bulacan
VILLANUEVA, FERNANDO, CASTRO NANGUNA SA SELEBRASYON AT PAGBIBIGAY-PUGAY 

PINANGUNAHAN ng Bulakenyong Senador at Senate Majority Leader Emmanuel “Joel” Villanueva, kasama sina Gobernador Daniel …

shabu

P.340-M droga kompiskado sa 5 miyembro ng criminal group

ARESTADO ang limang hinihinalang miyembro ng Randy Domingo Crime Group sa ikinasang buy bust operation …

earthquake lindol

5.5 magnitude na lindol yumanig sa Davao del Sur

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur nitong Lunes ng hapon, …