Tuesday , March 19 2024

Hipon Girl nagpabaha ng luha sa MPK

TOTOHANAN ang naging pag-iyak ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa ilang eksena niya sa brand new episode ng Magpakailanman na ilalarawan ang kanyang tunay na buhay.

“Opo, kasi buhay ko po ‘yun, eh!

“Kaya parang siguro po ano, talagang grabe iyak ko kasi nag-flashback siguro sa utak ko, true-to-life po kasi kaya hagulgol na malupit.

“Kahit dito po sa ‘Never Say Goodbye’ hindi ko rin po naiwasan na hindi po matigil ‘yung iyak ko. Sabi nga nila Mama Mosang ano nga raw po, hindi ko pa raw po kayang kontrolin ‘yung emotional, emotion.

“Na nadadala ko pa rin po ‘yung mga hugot ko sa buhay kaya grabe po ‘yung iyak ko. Na ‘pag humuhugot po ako,” kuwento ni Herlene.

Pinamagatang A Girl Named Hipon: The Herlene Budol Story, ipalalabas ang naturang Magpakailanman episode ngyong Sabado, October 23 na tampok din sina Gardo Versoza bilang Papa Ibhe, Maureen Larrazabal bilang Mama Len, Gino Ilustre bilang Tatay Oreng, at Maxine Medina bilang Gellie.

Mapapanood sa GMA, 8:15 p.m., ito ay sa direksyon ni Rechie Del Carmen sa panulat ni Vienuel Ello at pananaliksik ni Angel Launo.

Ang host ng Magpakailanman ay si Ms. Mel Tiangco.

Nasa cast din si Herlene ng Stories from the Heart: Never Say Goodbye nina Klea Pineda, Lauren Young, Mosang, at Jak Roberto.

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart muling dinamdam ‘di natuloy na ‘pagbubuntis’

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ni Heart Evangelista na talagang sumama ang kanyang loob nang hindi magbunga …

Andres Muhlach Atasha Muhlach Juliana Gomez

Atasha, Andres, Juliana umaarangkada ang mga career

HATAWANni Ed de Leon UMAARANGKADA ngayon ang anak ng mga artista. Iyong kambal ni Aga Muhlach na …

Vilma Santos

Ate Vi dinaragsa ng movie offer para sa MMFF 2024

HATAWANni Ed de Leon TALAGA bang puro Metro Manila Film Festival (MMFF) movies na lang ang pinaghahandaan …

Kim Chiu Paulo Avelino Whats Wrong With Secretary Kim

Kim Chiu at Paulo Avelino tiniyak na kargado sa kilig, seryeng What’s Wrong With Secretary Kim 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PANGMALAKASANG chemistry ang makikita kina Kim Chiu at Paulo Avelino sa local adaptation …

Private Convos with Doc Rica MTRCB

MTRCB ibinasura apela sa suspension ng Private Convos With Dr. Rica

IBINASURA ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang apela ng Cignal TV Inc at ng programa …