Sunday , May 19 2024
dead gun police

Negosyante, 2 pa, todas sa ratrat ng riding-in-tandem

ISANG malalimang im­bes­tigasyon ang isina­sagawa ng mga awto­ridad sa pagkamatay ng tatlong tao kabilang ang 43-anyos negosyante sa magkahiwalay na insi­dente ng pamamaril ng riding-in-tandem sus­pects sa Caloocan City.

Ipinag-utos ni Calo­ocan police chief P/Col. Noel Flores sa kanyang mga tauhan ang manhunt operation sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na pumatay kay Marlon Rapiz, 37 anyos, residente sa 44 Sociedad St., Brgy. 151, nego­syan­teng si Carlo De Guzman, 43 anyos, sinabing nani­nirahan sa Block 20 Lot 3 Villa Roma II, Saog, Marilao, Bulacan at kan­yang kasama na si alyas Jason Kid ng Valenzuela City.

Sa isinumeting report ni P/Cpl. Aldrin Mathew kay Flores,  dakong 6:20 pm, kamakalawa, nagla­lakad si Rapiz, sa kaha­baan ng North Diversion Road nang harangin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa kanto ng Progreso St., Brgy. 154 at pinagbabaril sa katawan na naging dahilan ng kanyang kama­tayan.

Matapos ang insiden­te, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon.

Samantala, sa na­antalang report ng pulisya, dakong 11:15 pm noong Miyerkoles, sakay si De Guzman at Jason Kid sa isang Mitsubishi Adventure, may plakang ZGL 699, nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek na sakay ng isang kulay itim at asul na NMAX motorcycle sa tapat ng Lina’s Grill sa Diamond St., ilang metro ang layo sa Caloocan Cockpit Arena, Brgy. 166 Kaybiga.

Agad namatay ang driver ng Mitsubishi Adventure habang naga­wang makalabas ng sasakyan ng kanyang kasama at tinangkang tumakas pero hinabol ng mga suspek saka muling pinagbabaril na naging dahilan din ng kanyang kamatayan.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 6 sa pangunguna ni P/Maj. Harold Aaron Melgar ngunit nabigong maaresto ang mga suspek at hindi rin natukoy ang pagka­kakilanlan.

Patuloy ang isina­sagawang follow-up investigation ng pulisya para matukoy ang tunay na motibo sa insidente.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *