Sunday , October 2 2022

Darna, isasali sa MMFF, Angel, lilipad pa rin

NAKORDER din namin si Direk Erik Matti pagkatapos ng Q and A ng OTJ mini-series at tinanong namin ang tungkol sa Darna movie kung tuloy pa ba ito dahil mahigit isang taon nang nakabinbin.

Natawang nagulat sa amin si direk Erik, “naubo ako, ah.  ‘Darna’, we’re working on it, pinagaganda namin, para magandang-maganda, ha, ha, ha. We’re still working on pre-producing it, marami kasing kailangang gawin, eh.”

Tinanong din namin kung si Angel Locsin pa rin ang gaganap sa Darna, “I don’t know yet.  They’re gonna make an announcement.”

Ikinuwento namin na may nakita kaming litratong nagre-rehearse si Angel para sa stunts kaya sigurado kaming siya pa rin si Darna.

“Oo nga, grabe, pinuputakti ang Instagram ko, I really hope it’s still Angel that’s gonna end up as ‘Darna’.  But we still have to make the announcement and we still have to hear from ABS-CBN,” pag-amin ni direk Erik.

Kailan ba ang target showing ng Darna?

“Sana soon, there’s a lot of components kasi for the ‘Darna’ franchise, it’s not like we’re doing the movie and we have the playdate by March, hindi siya ganoong klase na movie. Ang dami niyang moving parts, there’s the costume that stuffs to put together, and of course merchandising stuff, there’s also training, there’s also looking at technology para mapagaan ang trabaho namin while shooting it. Marami siyang kailangan tingnan,” say ng direktor.

Sino ba ang ibang cast ng Darna at si direk Erik sabay senyas ng, ‘my lips are sealed’ sabay biro sa amin ng, “sa magkanong halaga, ha, ha, ha.”

“Wala pa kaming nalo-lock (nakakausap na artista), may lalabas na news,” sabi pa.

Samantala, nabanggit din ni direk Erik na isinumite niya ang Darna project sa Metro Manila Film Festival hindi lang malinaw sa amin kung itong 2016 dahil wala naman sa pagpipiliang listahan ang nasabing pelikula.

“Yes, we submitted it in MMFF, we don’t know if they gonna like it. But given the new Metro Manila Film Fest and the new rule that came out of it, we’re hoping that we have a good chance,” pag-amin ng direktor.

Picture-lock palang daw ang naisumite ni direk Erik, “but there’s music in it and a sound. Pero may changes pa akong gagawin sa sound and music, pero at least mayroon na, almost complete siya.”

At sa bagong ruling ng MMFF ay pabor ang direktor, “I think, malaking bagay na and we should be open for a little bit more leeway, kasi gulat din naman ‘yung ibang producers. Sa akin, okay lang din.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply