Tuesday , October 4 2022

Salpukang Angel at Jessy, naudlot

HINDI pala natuloy ang guesting ni Angel Locsin sa Banana Sundae kaya naudlot ang pagtatagpo nila ni Jessy Mendiola.

Wala ring isnabang mangyayari dahil kung natuloy daw ang guesting ni Angel dahil nagkataong wala rin si Jessy noong taping na ‘yun. Si Jessy ang bagong nali-link kay Luis Manzano samantalang ex ng TV host si Angel.

Bebesohin ba ni Jessy si Angel at iwe-welcome bilang mainstay ng gag show?

“Yes, of course,” pakli niya sabay tawa.

If ever na matuloy, hindi naman siya mag-a-absent?

“Bakit naman po?,” balik–tanong ni Jessy.

“Hindi naman po ako ang may hawak ng show, eh. So, susunod din lang naman ako,” bulalas niya.

Ready siya na magkaeksena sila sa Banana Sundae?

“Baka po maging drama. ‘Di ba ayaw niyo po na maging drama?,” sambit niya.

“Bakit naman po hindi?,” dagdag pa niya.

Anyway, magdiriwang ng 8th anniversary ang Banana Sundae ngayong Nov. 17 sa Kia Theater. Abangan ang pasabog na group production numbers ng Banana Sundae barkada na sina Angelica Panganiban, John Prats, Pokwang, Pooh, Jayson Gainza, JC De Vera, Jessy Mendiola, Jobert Austria, Sunshine Garcia, at Aiko Climaco kasama pa ang kanilang surprise celebrity guests.

Laging makitawa at makisaya sa kuwelang barkada ng Banana Sundae tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP ng ABS-CBN 2.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Mother Lily  Monteverde Father Remy Monteverde

Mother Lily – Father Remy’s love story mas classic pa sa Mano Po

HATAWANni Ed de Leon IYON lang love story nina Mother Lily at Father Remy Monteverde, na natatandaan naming kuwento, …

Piolo Pascual Rhea Tan

Aminadong pinag-ipunan ang Kapamilya star
BEAUTEDERM CEO RHEA TAN DREAM COME TRUE NA MAGING ENDORSER SI PIOLO PASCUAL,

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na …

Blind Item, male star, 2 male, gay

Matinee idol nabuking ang pagka-beki nang sumabit sa male model

HATAWANni Ed de Leon MAHIHIRAPAN na ngayong maitago ang kabadingan ng isang matinee idol. Eh kasi ba …

Erika Portunak Kobe Paras

Kobe hinahabol dahil sa hitsura

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN namin, talagang sinusundan ng fans sa social media iyang si Kobe …

Piolo Pascual

Piolo pinaka-popular pa ring aktor; ginagawang pelikula santambak

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INDEMAND pa rin talaga si Piolo Pascual dahil nahilo kami nang banggitin …

Leave a Reply