Thursday , October 6 2022

Arjo, bida na!, dream come true na makatrabaho si Direk Erik

SA nakaraang OTJ (On The Job) na gagawing mini-series ng Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at direk Erik Matti produced ng HOOQ at Globe Studios, ang ganda ng pagpapakilala kay Arjo Atayde na ayon mismo sa direktor ay matagal na niyang gustong makatrabaho ang aktor at finally mangyayari na nga.

The feeling is mutual naman pala kina direk Erik art Arjo dahil ayon sa huli, “happy talaga kasi it’s finally come true na makatrabaho ko si direk Erik, first time talaga, kaya I’m very much excited.

“When they called me, I was very much happy because OTJ was one of my favorite movie and it is very interesting that it turned into series and of course it is one also of my dreams to work with you direk (Erik) and such an honored, very blessed to be part of this team with a very good cast, seen all of them having me goosebump and of course I want to thank Globe for making this possible, thank you so much and I hope you guys enjoys it, and sana may season 2,” say ng aktor.

Pagkatapos ng Q and A ay tinanong si Arjo kung dumaan siya sa workshop para sa bago niyang karakter sa OTJ na gaganap bilang Congressman na rating news anchor.

“More on explanation lang po kasi wala na akong time, pero researching as an actor for the role, nagagawa ko naman. Ang galing naman ding mag-explain ni direk Erik ng character so far, okay naman,” pahayag ng aktor.

Sa wakas ay hindi na kontrabida si Arjo sa OTJ mini-series, “It’s a very driven character, generally speaking, driven siyang (papel niya) tao and, ayokong ikuwento na, pero sabi nga kanina, I’m an ex news-anchor who become congressman who believes that he fixed more into politics more than just being a news anchor.”

Ano naman ang magiging koneksiyon niya kay Bela Padilla na isang magandang journalist sa istorya?

“Love-hate relationship kami, so may love story going on and the same time, two different worlds but still love brings them back, somehow. The special connection they have to each other brings them back,” kuwento ni Arjo.

Ang love team sila ni Bella at natuloy na rin dahil sa Ang Probinsyano ay pinatay ang karakter niya bilang maybahay ni Joaquin Tuazon.

“’Yung romance kasi namin sa ‘Probinsyano’ hindi naman talaga romance, may paghihiganti. Rito (OTJ) naman more on a love talaga.”

Klinaro rin ng aktor na bago ang character niya sa OTJ na wala sa pelikula noon nina Piolo Pascual at Gerald Anderson.

Lima hanggang anim na araw sa isang linggo ang taping ni Arjo ng AP, saan pa niya ilalagay ang OTJ mini-series taping?

“Sabi ko nga po, kahit araw-araw ako mag-taping, basta makatrabaho ko lang si direk Erik, kahit weekends ko, makuha na ng ‘OTJ’, okay lang, I wanna be part of this. And of course the fact na hand-picked ako ni direk Erik, that’s really something for me to look forward,” kuwento ng aktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Jillian Ward

Jillian binulyawan ng doktor

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN ng isang content creator na isa ring doctor na si Dr. Alvin …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Dating sikat na matinee idol suki ng mayayamang bading sa car fun

ni Ed de Leon “KAILAN ba siya babalik sa Pilipinas? Nami-miss na namin siya,” tanong ng …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin sumailalim sa angioplasty

HATAWANni Ed de Leon NAKAKA-CONFUSE iyang lumalabas sa social media na sinasabing naoperahan sa Asian …

MTRCB

Sa paggawa ng pornograpiya
‘PINAS KA-LEVEL NA NG JAPAN, SK, CHINA

HATAWANni Ed de Leon NATURAL umaangal ang mga gumagawa ng mga pelikulang soft porn na …

Mike Tan

Mike tinupad pangarap na makapagtapos

MATABILni John Fontanilla FEELING nasa cloud 9 ang Kapuso artist na si Mike Tan dahil nagtapos na siya sa …

Leave a Reply