Thursday , February 22 2024

Talambuhay ni Sen. Santiago, muling ipalalabas sa MMK

GONE but will never be forgotten. You asked for it! Kaya sa Sabado, October 8, 2016 muling ipalalabas ng  MMK (Maalaala Mo Kaya) ang biographical story ng pumanaw na minamahal na Senadora ng bansa na si Miriam Defensor-Santiago sa ganap na 8:15 p.m. sa Kapamilya.

Marami na pala ang nag-antabay sa muling pagpapalabas tungkol sa buhay ng Senadora na mula sa direksiyon ni Lino Cayetano na isinulat ni Arlene Tamayo.

Tampok sa mga nagsiganap sina Miles Ocampo, Maja Salvador, Julia Clarete, Tessie Tomas, Jean Garcia, Tommy Abuel, Dominic Ochoa, Cris Villanueva, John Blair, Joshua Dionisio, Miko Palanca, Gloria Sevilla, Marita Zobel, at Diego Malvar.

Mismong si Senator Miriam ang nag-narrate ng kanyang buhay sa nasabing biographical special. Kung paano niyang pinalawak ang kanyang talino hanggang sa tumakbo sa 1992 Presidential Elections at sa pagkawala ng kanyang minamahal na anak.

Nakatatak na sa yumaong Senador hanggang sa huling sandali ng buhay niya ang adhikaing to be of service to the Filipino people.

Ito ang isang sagot sa kahilingan ng pamilya ng butihing Senador na huwag kalimutan ang kanyang magandang naibahagi sa buhay ng bawat isa sa atin. Ang pampasayang hugot lines sa kanyang mga aklat. At kung paano siya lumaban lalo na sa mga kurakot ng bayan!

( Pilar Mateo )

About Pilar Mateo

Check Also

Liza Soberano Tessa Albea AJ Perez

Liza Soberano ibinahagi pagiging super fan ni AJ Perez

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Liza Soberano ni Tessa Albea sa One Down, ibinunyag na …

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Problema ng GMA sa Baliwag tinapos na 

I-FLEXni Jun Nardo NATAPOS na ang sa Baliwag scene na eksena sa top-rating GMA show na Abot Kamay …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Sex video ni Male starlet ginawang papremyo ng isang produkto

ni Ed de Leon AY ano iyang nasa isang internet platform, mayroon silang ilang katanungan …

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Mayor ng Baliwag umalma sa serye ni Jillian, GMA Execs humingi ng paumanhin  

NAG-COURTESY visit sina GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria at Abot Kamay Na Pangarap Executive Producer Joy …

Kiko Ipapo Beauty Gonzales

Kiko Ipapo hindi issue kung matanda o bata ang magiging GF 

MATABILni John Fontanilla HINDI issue sa baguhang aktor na si Kiko Ipapo kung mas bata o may …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *