Tuesday , December 10 2024

Bongbong, likas na pinagkakaguluhan kahit saan magpunta

00 SHOWBIZ ms mHINDI na bago na kinukurot sa pisngi, hinahablot sa braso, niyayakap, hinahalikan at madalas ay hinihila-hila si vice presidential candidate SenatorBongbong Marcos sa kanyang mga campaign sorties dahil kahit noong bumalil siya, taong 1980, mula sa ibang bansa mula sa pag-aaral sa England, pinagkakaguluhan na siya kahit saan magpunta.

Kasi naman, itinuturing siyang heartthrob.

Pero ang nakapagtataka, hindi kinakikitaan ng pagkainis o pagkairita ang Senador. Ang mas nakikita sa kanya ay ‘yung parang batang nagpapatianod sa paghatak kanya ng mga kababaihan, kabataan, at kahit mga lolo at lola na parang nakikipagharutan.

He really has a childlike heart in his persona.

Kaya alam n’yo bang para kay Bongbong, napaka-precious ng ganoong pagkakataon? Noong araw kasi, isa sa mga madalas na ‘wish’ nilang magkakapatid lalo na nilang dalawa ng kanyang Manang Imee eh, maging ordinary citizen.‘Yung makapunta sila sa mga gusto nilang puntahan ng walang escort at hindi pinagkakaguluhan ng tao.

Mantakin n’yo naman na nasa adolescence period sila noon pero hindi kaagad-agad nakagigimik kasama ang mga kaibigan kasi nga well-guarded at hindi puwedeng basta na lang lumabas ng walang dahilan.

Siyempre, kapag anak ka ng presidente, maraming isinasaalang-alang sa seguridad nila. Kumbaga kahit powerful ang kanilang parents noon, hindi man lang sila ‘nakasamyo’ ng kalayaan to become a normal teenager.

Kaya naman nang ipadala sila sa London para roon mag-aral, talagang doon nila naranasan ang maging ordinaryong tao.

Siyempre hindi sila kilala roon sa London kaya nakakikilos sila bilang mga normal na teenager. Nakakahalubilo sa ibang tao na hindi mangingimi o pangingilagan.

Kumbaga, doon nila naranasan ang maging isang ordinary citizen.

But it pays to be an ordinary man…

Hindi lang dahil magastos kundi ‘yung homesick. Malayo sa magulang, sa sariling bayan at higit sa lahat wala silang househelp para mag-asikaso sa mga pangangailangan nila araw-araw.

Kaya, natuto silang mamuhay mag-isa. Sila ang nagluluto, naggo-groceries, naglilinis, at naglalaba.

Pero ang hindi nila malilimutan ay ‘yung gigising ng maaga, napakalamig pero kailangang maligo. Tapos papasok sila na naglalakad na mabigat ang suot na damit.

Sabi nga ni Manang Imee, ”Akala namin after ng schooling namin sa London magiging businessman kami pero sa politics din pala kami nag-career.”

Kahit nga raw gusto na nilang lumayo sa politics dahil sa nangyari noon, ej hindi nila magawa, dahil maya’t maya ay maraming nakikiusap o nakikipag-usap sa kanila para pumasok sa politika.

“It runs in the blood, so carry na lang, the people will decide if they still want us or not.”

And the rest is history…

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *