Misis ni Enzo Pastor swak sa parricide

enzo pastorPINAKAKASUHAN ng Department of Justice (DoJ) ang maybahay ng pinatay na car racer na si Enzo Pastor.

Sa 13-pahinang resolusyon ng panel of prosecutors, nakakita ng probable cause para kasuhan ng parricide si Dahlia Guererro Pastor, at murder sa negosyanteng si Domingo “Sandy” De Guzman. 

Sinasabing may relasyon si De Guzman sa misis ng biktima.

Una nang kinasuhan ng DoJ ng murder sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang gunman na si PO2 Edgar Angel.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, hepe ng National Prosecution Service (NPS), isasampa ang kaso laban sa maybahay at kay De Guzman sa QC RTC.