This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
TARGET ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pahinain ang puwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa loob ng tatlong buwan.
Ito ang inihayag ni AFP chief of staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. makaraan ilunsad ang all-out war defensive kontra sa armadong grupo.
‘’In three months, hopefully we can substantially decimate them. Kasama na ang leadership.’’ Partikular na puntirya ng AFP ang puwersa ng BIFF sa Maguindanao at Cotabato.
Tiniyak ng pamunuan ng AFP na naatasan na ang kanilang unit commanders na pairalin ang ceasefire mecha nisms sa operasyon upang maiwasang makasagupa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) tulad ng nangyari sa Mamasapano, na ikinamatay ng 44 Special Action Force (SAF) troopers.
Habang binanggit ni AFP Public Information Office chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, nakatanggap sila ng ulat na tinutulungan ng BIFF na makapagtago ang teroristang si Basit Usman.
Matatandaan, natatag ang BIFF makaraan tumiwalag sa MILF ang dating commander na si Ameril Umbra Kato dahil sa pagtutol sa peace talks sa gobyerno.