Buntis, 10 pa sugatan sa ambulansiya vs UV Express (Sa Roxas Blvd.)

082714 police line crimeSUGATAN ang 11 katao sa banggaan ng UV Express at ambulansiya sa Roxas Boulevard sa Maynila kahapon.

Isinugod sa Ospital ng Maynila ang mga biktima kabilang ang isang buntis na pasahero ng ambulansiya.

Ayon sa driver ng UV Express na si Erwin Ong, papunta sila ng Sucat nang biglang sumulpot ang ambulansiya kaya sila nagkabanggaan.

Pito sa mga sugatan ang nalapatan agad ng pangunang lunas at nasa mabuti nang kalagayan.