Tuesday , August 16 2022

Buwis ipinaalala ni Kim kay Pacman (Sa mega fight vs Floyd)

040514 bir kim pacman bradleyIPINAALALA ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares kay Manny Pacquiao na iulat sa kanila ang babayarang buwis sa Amerika kaugnay ng nalalapit na megabout kay Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2. 

Sa press conference sa Department of Justice (DOJ), inulit ng BIR chief na dapat magsumite ang Sarangani congressman ng dokumentong authenticated ng Embahada ng Filipinas sa US. 

Hinikayat din ni Henares ang boxing champion na kaltasan ng buwis ang mga taong binabayaran niya sa kanilang serbisyo. Hindi aniya pwedeng ang kongresista pa ang magbayad ng buwis na dapat bayaran ng kanyang mga empleyado. 

Umaasa rin aniya siyang natututo na si Pacman ukol sa tamang pagbabayad ng buwis. 

Taon 2014, iginiit ng kagawaran ang P2.65 bilyong tax liability ng People’s champ.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa Police

Muntinlupa ginawaran ng Best City Police Station Award ng SPD

IGINAWAD sa Muntinlupa City Police ng Philippine National Police (PNP) ang Best City Police Station …

Las Piñas City hall

Las Piñas, safe city sa Metro Manila

IDINEKLARA ang Lungsod ng Las Piñas bilang Safe City sa buong Metro Manila, sa ginanap …

MMDA, NCR, Metro Manila

581 MMDA traffic personnel ide-deploy sa school zones simula sa pasukan ng klase — MMDA

AABOT sa 581 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic personnel ang ide-deploy ng ahensiya sa …

electric wires

Kableng ninakaw, Metro sa C-5 road, Taguig napalitan na

NAPALITAN na ang ninakaw na metro at kawad ng koryente sa C5 road sa lungsod …

shabu drug arrest

Sa Valenzuela
ONLINE CASINO AGENT KULONG SA P.1-M SHABU

BAGSAK sa kulungan ang isang online casino agent matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga …

Leave a Reply