Ex-CJ Corona tumangging magpasok ng plea (Sa kasong tax evasion)

coronaTUMANGGING magpasok ng ano mang plea si dating Chief Justice Renato Corona kaugnay sa anim kaso ng failure to file income tax returns (ITR).

Bunsod nito, si CA Justice Cesar Casanova ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya nitong Miyerkoles.

Kabilang sa arraignment ni Corona ang anim kaso ng hindi paghahain ng tamang ITR habang ipinagpaliban ang anim pang kaso niya ng tax evasion kasunod ng paghahain ng kampo niya ng urgent motion to dismiss.

Ayon sa prosekusyon, bigong maghain si Corona ng kanyang ITR para sa 2003, 2004, 2005, 2007, 2008 at 2010.