This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
SINUNOG ng armadong kalalakihan ang barong-barong sa Mamasapano kung saan sinasabing napatay ang teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.
Kinompirma ni Sr. Insp. Reggie Abellera, hepe ng Mamasapano Police, ang insidente sa Brgy. Pimbalakan dakong 9:30 p.m. nitong Martes.
Bineberipika ng pamunuan ng PNP ang ulat dahil hindi malapitan ang lugar dulot ng presensya ng hinihinalang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), kaya kumuha na lamang ng impormasyon mula sa mga sibilyan at opisyal ng barangay.