Malamig na panahon patapos na – PAG-ASA

heat strokeKINOMPIRMA ng Pagasa na papasok na ang tag-init sa mga darating na linggo, kasabay ng paghupa ng malamig na temperaturang dala ng northeast monsoon o hanging amihan.

Ayon sa ulat ng Pagasa, nagsisimula nang maramdaman ang easterlies na naghahatid ng mainit na hangin.

Ito ay inaasahang mamamayani sa buong summer season.

Samantala, patuloy ang paglapit ng low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng ating bansa.

Inaasahan itong papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong linggo.

Kung magiging bagyo, bibigyan ito ng local name na β€œBetty.”