This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAKIISA ang Palasyo sa pagkondena sa pagpaslang sa isang radio commentator ng DYRD sa Tagbilaran City, Bohol kamakalawa.
Sinabi ni Communications Secretary Hermino Coloma Jr., kumikilos na ang mga awtoridad para madakip at mapanagot ang pumatay sa broadcaster na si Maurito Lim.
“Kinikilala ng pamahalaan ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa ating lipunan kung kaya patuloy itong nakikipagtulungan sa hanay ng mga peryodista at manggagawa sa sektor ng pangmadlang komunikasyon upang mapangalagaan ang kaligtasan at maitaguyod ang kalayaan ng pamamahayag,” sabi ni Coloma.
Si Lim ang ika-31 mamamahayag na pinaslang sa loob ng halos limang taon na administrasyong Aquino.