Monday , August 8 2022

US ‘di sangkot sa Mamasapano OPS – Palasyo

PNOY SAF 44ITINANGGI ng Malacañang na sangkot ang Amerika sa operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Giit ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, walang katotohanan ang impormasyon na may kinalaman ang US at hindi humingi ng tulong ang Filipinas sa ibang bansa sa pagpaplano at pagsasakatuparan  ng  operasyon laban sa Malaysian bomb maker na si Zulkifli “Marwan” Abdhir. “Ito po ay operasyon ng Republika ng Filipinas at ng mga law enforcement at armed forces po natin,” giit ni Coloma.

Una nang lumutang ang impormasyong may namataan na drone ng Amerika at may chopper na ginamit sa pagrekober sa SAF commandos.

Hindi direktang kinompirma ni Coloma kung pagmamay-ari ng US ang naturang chopper pero banggit niya, “Iba pong bahagi ‘yan, retrieval na ‘yan pero ‘yun pong mismong operasyon na ‘yun, ‘yung pag-execute po nun, wala po tayong hiniling na tulong diyan. Ang atin pong PNP-SAF ang  nagsagawa  po ng operation na ‘yan.”

Kasabay nito, nanawagan si Coloma na tigilan na ang pagpapalutang ng mga haka-haka o espekulasyong walang batayan kaugnay ng enkwentro sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 pulis. Maaari aniyang iparating sa kanila ang impormasyon para maproseso o maberipika.

FBI itinangging sangkot sa OPS

ITINANGGI ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) na may kinalaman sila sa operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Una rito, lumitaw ang isyung tumulong ang FBI sa pagplantsa ng pagsalakay sa target na Malaysian bomb maker na si Zulkikli “Marwan” Abdhir.

Bukod sa isa sa most-wanted ng FBI si Marwan na may $5 milyong patong sa ulo, may espekulasyong pag-aari ng Amerika ang chopper na nakunan ng litrato na ginamit sa pag-rescue sa SAF commandos.

Pahayag ni FBI Spokesperson Josh Campbell sa Reuters, “The FBI was not involved in the planning or execution of the operation. We do express our deepest condolences to the brave officers of the Philippine National Police who lost their lives in the line of duty.”

Gayonman, sila aniya ang nagsusuri ngayon ng biological sample ng isang napatay sa operasyon na hinihinalang si Marwan. Ipinadala ng Philippine authorities ang naturang biological sample.

“It is routine for the FBI to process biometric information that may positively identify a subject and his or her whereabouts,” ani Campbell. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …

Leave a Reply