Bulok na trapo si Bongbong?

bongbongSANA hindi na nagsasalita ang mga Marcos tungkol doon sa mga street people na dinala sa Batangas, kasi baka nakakalimutan ni Bongbong na noong panahon ng tatay niya, tuwing may darating na bisita, pinalalagyan ng pader ng nanay niya ang lugar ng mahihirap, gaya sa Paco at Pandacan sa Quirino Highway, lalo na roon sa ParaΓ±aque at Pasay na malapit sa Airport. β€˜Yung mga miyembro ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) na naghihintay kay Pope Paul VI sa Tondo Foreshore ipinataboy niya sa mga pulis at Metrocom. Noong hindi magpunta si Noynoy sa pagsalubong sa Fallen 44, nagpunta siya sa Villamor para makiramay ba β€˜yun? O para umepal lang?! Bilib pa naman ako kasi nagpapaka-low profile siya, akala ko totoong naglo-low profile, naghahanap lang pala ng timing. Isa pa rin pala siyang TRAPO, bulok na TRAPO.

+639174193 – – – –