Saturday , December 10 2022

Kaso vs SAF killers ihanda na (Utos ni PNoy sa DoJ)

pnoy safMAKARAAN umani ng kaliwa’t kanang batikos, iniutos na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagsasampa ng kaso laban sa mga rebelde na sangkot sa sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).

Ayon kay Department of Interior and Local Government Sec. Mar Roxas, iniutos mismo ni Pangulong Aquino kay Justice Sec. Leila De Lima ang paghahanda at pagsasampa ng kasong  kriminal  laban sa mga responsable sa krimen.

Kabilang sa mga kakasuhan ang ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nasa likod ng pagpaslang sa mga miyembro ng SAF na tumugis sa international terrorist na si Zulkifli bin Hir, alias Marwan.

Dahil dito, binubuo na ng DOJ ang kaso sa tulong na rin ng Philippine National Police (PNP).

Magugunitang personal na nakausap mismo ni Pangulong Aquino ang mga pamilya ng namatay na mga miyembro ng SAF at hustisya ang sigaw nila para sa kanilang mahal sa buhay.

3 MILF-BIFF itinuro

LUMUTANG ang tatlong pangalan ng top commanders mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFFF) na sinasabing responsable sa pag-massacre sa 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Ito ay sina Zacaria Goma, Kagi Karialan at Waid Tundok.

Si Goma ay commander ng 105th Base Command ng MILF, habang si Karialan ay commander ng BIFFF, at si Tundok ay ground commander ng MILF 118th Base Command.

Sa pakikipag-ugnayan kay Goma, kanyang sinabi na ipinauubaya na niya sa MILF central comittee ang pagsiyasat kaugnay sa Mamasapano massacre.

Napag-alaman na si Goma ang nag-assume bilang 105th Base Command commander makaraan tumiwalag sa grupo ang kanyang superior na si Ameril Umbra Kato.

Sa kabilang dako, hindi na rin sorpresa ang naging involvement ni Karialan sa nasabing insidente dahil nakasagupa nila ang isang grupo ng mga SAF commando na nagsilbing mga blocking force.

Magugunitang hinamon ng ilang senador, kasama sina Senate President Franklin Drilon at Sen. Ralph Recto, ang pamunuan ng MILF na isuko sa pamahalaan ang mga sangkot pagkamatay ng mga miyembro ng SAF.

Ito rin ang hamon ni Association of General and Flag Officers Inc. (AGFO) President ret. Gen. Edilberto Adan.

About hataw tabloid

Check Also

RDF geocycle Holcim Angono Rizal

Sa Angono, Rizal
BASURA GINAMIT BILANG GASOLINA

KASALUKUYANG gamit ng lokal na pamahalaan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, ang modernong teknolohiya …

road accident

Sa Isabela
2 KAWANI NG DA PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang dalawang empleyado ng Department of Agriculture – Cordillera nang banggain …

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 1 MWP ng Southern Leyte tiklo sa Bulacan

INARESTO ang isang lalaking nakatala bilang Rank no. 1 most wanted person (MWP) ng Southern …

Bocaue Bulacan Fireworks Rodolfo Azurin Daniel Fernando

Bulacan Fireworks capital sa Bocaue ininspeksiyon ng pulisya, Kapitolyo

DALAWANG linggo bago ang holiday season, ang Bulacan provincial government sa pakikipagtulungan ng Philippine National …

Bulacan

Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN

NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster …

Leave a Reply