Thursday , December 2 2021

Psychopath ba si B.S. Aquino?

USAPING BAYAN LogoMARAMI sa mga kababayan natin ang demora-lisado sa pang-iisnab ni Pangulong Benigno Si-meon Aquino nitong nagdaang Miyerkoles sa Villamor Air Base nang dumating ang katawan ng 42 bayaning pulis na pinagmalupitan at minasa-ker ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsa-moro Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao kamakailan. Hindi natin akalain ang kawalan ng pakikiisa ni B.S. Aquino sa bayang nagluluksa. Marami tuloy ang nagpahayag sa social media nang panghihinayang sa kanilang suporta at boto noong 2010, kabilang na po rito ang inyong lingkod.

Mantakin ninyo mas binigyan halaga ni B.S. Aquino ang pakikidaop palad sa mga executive ng isang kompanya na gumagawa ng sasakyan kaysa makiisa sa pagluluksa ng taong bayan sa pama-magitan nang pagsalubong sa labi ng mga bayaning pulis na ginawan ng kahayupan ng MILF at BIFF sa Mamasapano, Maguindanao. E sino nga ba ang mga inisnab ni B.S. Aquino? Sila ay mga pulis na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force.

Sila ay tumutupad lamang sa kanilang tungkulin na ipagtanggol ang mamamayang Filipino nang sila’y banatan nang walang awa nang MILF at BIFF. Sabagay hindi na tayo dapat mabigla pa sa huling inasal ni B.S. Aquino sapagkat tila natural na sa kanya ang kawalan ng simpatya. Pansinin na ganito ang inasal niya nang magkaroon ng madugong hostage crisis sa Luneta o kaya ay nang hambalusin tayo ng mga unos tulad ng Yolanda. Sa mga ganitong pagkakataon napapansin ng taong bayan ang kawalang pagkalinga sa tao ni B.S. Aquino. Hindi kaya psychopath ang pangulo?

Ayon sa Dictionary.com ang isang psychopath ay “a person with a psychopathic personality, which manifests as amoral and antisocial behavior, lack of ability to love or establish meaningful personal relationships, extreme egocentri-city, failure to learn from experience, etc.

Kung totoo na isang psychopath si B.S. Aquino siguro ay mas kailangan nating lawakan ang ating pang-unawa sa kanyang mga asal.

Dapat nating unawain na hindi niya kagustuhan ang lahat, na siya ay biktima lamang ng kanyang kondisyon.

Ngayon kung sakali naman na siya ay walang ganitong suliranin ay dapat lamang kondenahin. ang kanyang pagiging balat goma. Dapat din siguro na hikayatin na natin siyang magbitiw na sa poder. Hindi natin kailangan ng isang pinunong walang pakiramdam. Ewan ko, anong palagay ninyo?

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at ma-tibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

About hataw tabloid

Check Also

Bulabugin ni Jerry Yap

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat. Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang …

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Adviento

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. NITONG nagdaang araw ng Linggo ay nagsimula …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

China, bully na in denial

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAPAGKUNWARI ang China, sa ilalim ni Xi Jinping, pagdating …

Bulabugin ni Jerry Yap

Maligaya na ang birthday ko, okey na si Rommel — JSY

MARAMING salamat, Sir JSY. Nabulabog mo kaming lahat, mga tauhan mo, pamilya, lahat ng nagmamahal …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Quezon Gov. Suarez et al, kakasuhan ng plunder? Bakit?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SASAMPAHAN ng plunder o pandarambong si Quezon Province governor Danilo Suarez. …

Leave a Reply