5-anyos paslit napatay sa OPS sa Mamasapano

082914 dead babyKINONDENA ng isang child rights group ang sinasabing pagtatakip ng administrasyon sa pagkamatay ng isang 5-anyos batang babae sa sagupaan ng PNP Special Action Force (SAF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Isiniwalat ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, lumabas sa imbestigasyon ng Suara Bangsamoro na napaslang si Sarah Panangulon makaraan paulanan ng bala ng SAF ang kanilang tahanan sa pag-aakalang nagtago roon ang mga target ng operasyon.

“In previous public statements made by the President, civilian casualties were never mentioned. Why Sarah’s death, as well as the six others’, was conveniently withheld from public knowledge is quite suspect, considering that an innocent life was lost. It seems that Aquino is hell-bent to cover up his accountability by negating this vital information,” ani Kharlo Manano, secretary-general ng Salinlahi.

Idiniin din ng grupo na may basbas ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino  III ang operasyon at dapat niyang panagutan ang pagkamatay ng batang biktima at ng “Fallen 44.”

 (HNT)