This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PATAY ang isang 20-anyos pahinante nang madaganan ng 20-foot container habang idinidiskarga ng isang forklift operator sa Pier 8, North Harbor, Tondo, Maynila kahapon.
Kinilala ang biktimang si Emeterio Beto y Tulalian, residente ng Permanent Housing, Balut, Tondo.
Kusang sumuko ang suspek na forklift operator na kinilalang si Sonny de Pedro y Igos, 43, residente ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Nakapiit na siya sa Manila Police District-Homicide Section habang inihahanda ang ihahaing reklamo na kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Ayon sa imbestigasdyon ni PO3 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District Homicide Section, dakong 11:15 p.m. nang maganap ang insidente sa likuran ng Sarah Canteen sa Slip 9, ng Pier 8, North Harbor.
Nabatid na bumili ng mineral water ang biktima sa nasabing canteen at pagdaan niya sa Slip 9 ay nagkataong inilalapag na ang idiniskargang container na dumagan sa kanya.
Sinabi ng suspek na hindi niya nakitang naroroon ang biktima nang ilapag niya ang container.