Skip to content
WALA pa rin makapag-uuwi ng P140,215,884 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Jose Ferdinand Rojas II, walang nakakuha ng lumabas na ticket number combination.
Nabatid na lumitaw sa draw ang kombinasyong 35-55-44-04-11-07.
Dahil dito, inaasahang papalo na sa P145 milyon ang pot money sa susunod na pagbola.
Ang Grand Lotto ay may regular draw tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.