This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ANG CIDG ay magdaraos ng ika-62 Founding Anniversary ngayon Pebrero 2, 2015 (Lunes).
Ipinahayag ni Police Director Benjamin B. Magalong, hepe ng CIDG, sa pagdaraos na ito, na noon lamang nakalipas na Huwebes, Enero 29, 2015 ay isinagawa ang malawakang pagsisilbi ng 61 search warrants ng mga miyembro ng CIDG at nagresulta sa pagkaka-kompiska ng higit sa 80 ibaโt ibang klase ng kalibre ng mga baril, 12 explosives na kinabibilangan ng mga granada, pagka-kadakip ng 55 suspects at nagresulta sa pagkamatay ng dalawang pinaghihinalaang lider at miyembro ng notorious criminal gang sa Davao at kilala sa pagbebenta ng droga at mga baril, at pagkakakompisa ng umaabot sa 3.5 million street value ng shabu.
Kabilang sa mga naaresto ang dalawang local government officials, at sinasabing isang miyembro ng BIFF.
Ang proyektong ito ay kabilang sa tinaguriang Oplan Lambat Sibat ng PNP at ito ay tinatawag na โOne Time Big Time Operationโ o OTBT na sinimulang isagawa ng CIDG sa pamumuno ni Magalong.
Ang 55 arestadong suspects ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition at may sasampahan din ng paglabag sa RA 9165 o Illegal Possession of Dangerous Drugs.
Pararangalan naman ang anim miyembro ng CIDG na nagpamalas ng kakaibang gilas sa nakalipas na isang taon. Gayondin ay napabilang sa pararangalan ang dalawang justices na sina Justice Diosdado Peralta at Justice Lucas Bersamin ng Supreme Court at ang ibang counter parts na nagmula sa civilian sector na walang sawamg tumutulong sa hanay ng PNP.
Ang magpapasinaya sa pagdiriwang ng anibersaryo ng CIDG ay si Prof. Ramon Casiple, Executive Directorย ofย Institute for Political and Electoral Reform, chairman din ng Group Advisory Council ng CIDG.ย