This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
DIPOLOG CITY – Huboโt hubad at tadtad ng saksak ang katawan nang matagpuan kamakalawa ang bangkay ng isang 18-anyos dalaga sa loob ng isang pension house ng Dipolog City at hinihinalang tatlong araw nang patay.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na sinasabing tubong Sindangan, Zamboanga del Norte, habang ang suspek na dayuhan ay kinilala lamang sa palayaw na โAli Ali.โ
Sa paunang imbes-tigasyon ng SOCO Dipolog, nag-check-in sa Antonioโs Pension House ng Martinez St., ang dalawa noong Enero 28, 2015.
Nagtaka ang mga empleyado dahil lumipas ang tatlong araw makaraan mag-check-out ang dayuhan ay hindi pa rin lumalabas ang biktima sa kwarto.
Kinutuban nang masama ang mga trabahante ng nabanggit na pension house kaya nagdesisyong puwersahang buksan ang kwarto.
Sa puntong iyon ay bumalagta sa kanila ang walang buhay na dalaga habang walang saplot at tadtad ng saksak ang buong katawan.
Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek.