Internet cafΓ© owner itinumba

081714 crime scene yellow tapeAGAD binawian ng buhay ang isang may-ari ng internet cafe makaraan barilin sa ulo ng isang lalaking kanyang nakatalo sa loob ng kanyang shop sa Sitio El Pueblo, Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Frederick Geronimo, 39, residente Sitio El Pueblo, Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nasa loob ng kanyang computer shop ang biktima sa Brgy. Pulong Buhangin nang biglang pumasok ang suspek na may dalang baril.

Sa pahayag ng ilang saksi sa krimen, napansin nila na parang may pinagtatalunan ang dalawa hanggang biglang barilin ng suspek sa ulo ang biktima.

Ayon kay Proceso Geronimo, ama ng biktima, blangko pa siya sa motibo ng pagpaslang sa anak dahilΒ  wala siyang alam na may nakagalit si Frederick.

Daisy Medina