050814 dead tandemPATAY ang isang barangay ta-nod makaraan pagbabarilin ng riding in tandem sa Bustos, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Raul Gatuz, 50, residente at barangay tanod ng Brgy. Bunga Menor, sa naturang bayan.

Ayon sa ulat ng Bustos Police, nakikipagkwentohan si Gatuz sa harap ng isang tinda-han sa kanilang lugarย nang biglang lapitan ng armadong mga salarin.

Bago nakakilos para sa kaligtasan ay pinagbabaril na ang biktima ng mga salarin habang ang kanyang kausap na hindi idinamay ay natulala sa insidente.

Agad tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

Micka Bautista