This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
REHAS na bakal na ang hinihimas ng isang 49-anyos jeepney driver matapos arestohin ng mga awtoridad dahil sa panlalamas at pagkurot sa hita ng pasaherong dalagita sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Ranulfo Gilena, residente ng Kapanalig St. kanto ng Martinez Ext. ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong acts of lasciviousness, nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police.
Sinamahan Β ng kanyang mga magulang sa tanggapan ng Womenβs and Children Protection Desk Β ng Caloocan City Police ang biktimang itinago sa pangalang Jane, 16-anyos, high school student, ng Tondo, Manila.
Ayon sa pahayag ng biktima, dakong 12:30 p.m. galing siya sa kanilang eskwelahan sa Caloocan City at sumakay sa pampasahe-rong jeep.
Umupo siya sa tabi ng driver at sinabing ibaba siya sa isang food chain sa A. Mabini St., harap ng City hall ng lungsod.
Ngunit nagulat ang dalagita nang itanong ng driver kung kumain na siya at kung magkano ang kanyang baon na sinagot niya ng βP100 po.β
Sinabi aniya ng suspek na bibigyan siya ng P300 kung sasama sa kanya at hindi na siya ibababa.
Pagkaraan ay hinimas ng suspek ang hita ng biktima at kinurot-kurot kaya tinapik ng dalagita.
Pagsapit sa C-3 Road, may sumakay na pasahero kaya mabilis na bumaba ang biktima at sumakay sa ibang jeep pauwi sa kanilang bahay saka nagsumbong sa kanyang mga magulang.Β