This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay sa pagkasunog ng Benigno Aquino Hall of Justice sa Hayes Street, Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.
Itoโy makaraan umaabot sa general alarm dahil sa sobrang laki ng sunog na tumupok sa nabing tanggapan ng gobyerno.
Inihayag ni BFP District Fire Marshall Supt Shirley Teleron, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na electrical short circuit ang isa sa posibleng dahilan sa pagsiklab ng apoy.
Sinabi ni Teleron, patuloy nilang inaalam ang ulat na may dalawa katao ang โmissingโ makaraan ang malaking sunog.
Kaugnay nito, inihayag ni Chief City Prosecutor Fidel Macauyag, labis ang kanilang pagkabahala ukol sa mga kontrobersyal na kaso lalo na ang extra judicial killings na ang mga biktima ay sina Maria Erica Yabut, Roland at Harold Jamaca, habang apat na pulis at isang abogado ang mga akusado noong Disyembre 2014.
Una nang nakitang nagsimula ang apoy sa mismong tanggapan ni Regional State Prosecutor Jaime Umpa na hawak ang Jamaca-Yabut murder case.
Napag-alaman, kahina-hinala ang nangyaring sunog dahil namataan na nagsimula ito sa una at pangalawang palapag ng gusali kaya mayroong nagdududa na sinadya ang insidente.