Akyat-bahay na kano arestado

112514 crime sceneNAHAHARAP sa kasong pagnanakaw ang isang turistang American national nang pasukin at pagnakawan ang isang unit sa condominium na tinutuluyan niya sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Sidney Sultan Hernia, ang dayuhan na si Christopher Holleman, 44, pansamantalang nanunuluyan sa 1460 Sea Residences, SM MOA Complex ng naturang lungsod.

Habang kinilala ang complainant na si Aimee Armea, 21, imaging associate, ng Unit 321 ng naturang condominium.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Renile Dumanacal, imbestigador ng Investigation Unit, nangyari ang insidente dakong 9:50 p.m. sa tinutuluyang condo unit ni Armea.

Habang nag-i-internet si Armea biglang mawala ang connection kaya lumabas siya kasama ang kinakasamang si Francis upang tignan kung bakit nawala ang kanilang connection.

Pagbalik ng dalawaΒ sa kanilang condo unit, napansin nilang bukas ang pintuan nito, agad silang nagduda na may kakaibang nangyari at namataan nila ang dayuhan na nagmamadaling umalis at dumaan sa fire exit.

Natuklasan nila na pinagnakawan sila kaya humingi ng tulong sa guwardyang si Reinan Ronda at hinabol ang papatakas na dayuhan hanggang maaresto.

Jaja Garcia