This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
“HINDI ko na alam ang ginagawa ko, sana naman kung may nagawa ako na mali sa inyo, patawarin n’yo sana ako, mahal na mahal ko anak ko, tama na pakiusap.”
Ito ang nakasaad na suicide note na iniwan ng 22-anyos na si Gilbert Marahay, ng 393 Matulungin St., Brgy. 181, Zone 19, Maricaban Pasay City.
Winakasan ng biktima ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon ng umaga.
Isa sa tinitingnan na motibo ng imbestigador na si PO2 Robinson Alsol ng Investigation Detective Branch, ang posibleng labis na kalungkutan ng biktma makaraan iwanan ng kanyang misis dala ang kanilang anak.
Natagpuan ang biktima na wala nang buhay ng kanyang pinsan na si Francisco Solis, 24, dakong 8 a.m. habang nakabigti sa loob ng kwarto.