This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
TINAWAG ni dating Pangulong Fidel Ramos na mahina ang diskarte ni Pangulong Benigno Aquino III bilang commander in chief, sa naganap na pagpatay sa 44 miyembro ng Special Action Forces ng PNP sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon kay Ramos, masyadong nagtiwala ang pamahalaan, peace negotiators at field commanders sa Moro Islamic Liberation Front na kayang mapanatili ang usaping pangkapayapaan.
Pinuna rin niya ang kakulangan sa sinsiredad ng MILF para itaguyod ang kapayapaan.