This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
TINIYAK ni Department of Interior ang Local Government Secretary Mar Roxas na bukod sa pakikiramay ng buong pamunuan ng National Police Commission (Napolcom), Philippine National Police (PNP) at DILG, magbibigay din ng tulong ang pamahalaan sa pamilya ng mga pulis na namatay at nasugatan sa Mamasapano, Maguindanao.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Roxas na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga naulilang pamilya ng Special Action Force (SAF) Unit ng PNP.
βMakaaasa kayo na hindi po kayo iiwan. Lahat po ng tulong o ayuda na karapat-dapat sa inyo ay sisiguruhin natin na makararating,β pahayag ni Roxas.
Inatasan naman ng kalihim si PNP Director for Comptrollership Rolando Purugganan para pangunahan ang pagkakaloob ng tulong sa pamilya ng 44 miyembro ng PNP-SAF na napatay sa enkuwentro at sa 12 iba pang operatiba na nasugatan.
Batay sa opisyal na pahayag ni Roxas, 392 operatiba ng SAF ang kasama sa paghahain ng warrant of arrest sa Malaysian bomb expert at wanted na international criminal na sina Zulkigli Bin Hir o mas kilala sa tawag na Marwan at Basit Usman na sinasabing miyembro naman ng Jemaah Islamiyah.
Ayon pa sa kalihim, bibigyan ng full honors ang mga napaslang na pulis samantala sasagutin ng pamahalaan ang funeral arrangements ng mga biktimaΒ gayundin ang iba pang assistance na kailangan ng kaanak ng mga napatay at nasugatang kawani ng PNP.