5 arestado sa P1-M shabu

080614 drugs shabu arrestROXAS CITY – Tinatayang P1 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng mga awtoridad sa buy bust operation sa Brgy. Punta Tabuc, Roxas City kamakalawa.

Nahuli ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nasabing operasyon ang lima katao kabilang ang high-profile drug personality na si Rowena Pangcoga, matagal nang nasa watchlist ng pulisya.

Kabilang din sa mga inaresto sina Kientere Imam, Rene dela Cruz, Abdul Madid at ang anak ng ginang na si Mangco Pangcoga.

Aabot sa 200 gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nasabat mula sa bahay ng naturang drug personality.

Narekober din ng mga awtoridad ang P1,000 marked money at iba pang drug paraphernalia.