DoJ nabulabog sa bomb threat

DOJ bombingNABULABOG ng bomb threat ang tanggapan ng Department of Justice (DoJ) sa Padre Faura, Maynila kahapon.

Ayon sa isang guwardya, nakatanggap ng banta ang Office of the Secretary ni Leila de Lima.

Pasado 10 a.m. nang palabasin ang mga empleyado.

Agad iniutos ng kalihim sa National Bureau of Investigation (NBI) na halughugin ang buong tanggapan.