Laborer kritikal sa backhoe clearing ops

backhoeLEGAZPI CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang isang construction worker makaraan mabagsakan sa ulo ng arm boom ng backhoe sa San Miguel sa Catanduanes.

Kinilala ang biktimang si Elmer Matienzo Alcantara, 27, ng Brgy. Cavinitan sa nasabing lalawigan.

Ayon sa mga awtoridad, abala ang biktima kasama ang iba pang trabahador sa isinasagawa nilang clearing operation sa kabi-kabilang landslide sa lugar makaraan ang nagdaang bagyong si Amang.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lamang bumagsak ang bahagi ng nasabing heavy equipment sa ulo ni Matienzo.