This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
INARESTO ang isang photographer dahil sa paglabag sa no-fly zone policy bunsod ng pagpapalipad ng Unmanned Aerial Vehicle sa airspace sa may Roxas Boulevard.
Inaresto ng MPD si Michael Sy Yu, 35, UAV pilot ng Snap Creative Inc. dahil nagpalipad ng drone nang walang CAAP operator’s certificate.
Naaresto si Yu na aktong nagpapalipad ng UAV sa may bisinidad ng Diamond Hotel kung saan naka-bilet ang 85-Vatican accredited journalists at 36 Vatican Bishops.
Sa kabilang dako, isang nagpakilalang agent ng PDEA ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa pagbitbit ng armas sa lugar na idineklarang firearms free zone ng PNP
Kinilala ang nasabing PDEA Agent na si Sonnyboy Anonnat, may bitbit na 9mm nang inspeksyonin ng mga pulis ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, sa bahagi ng Pres. Quirino Ave-nue sa Plaza Dilao, Paco, Manila.
Sinabi ni Mayor, kanilang sasampahan ng mga kaukulang kaso ang photographer dahil nilabag ang panuntunan ng CAAP, habang paglabag sa firearms law ang kinakaharap ng PDEA agent.