Smuggled rice nasabat ng BoC, Army

rice smuggling zamboangaNASABAT nang pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs at Philippine Army ang anim na libong sako ng smuggled na bigas sa isang pribadong pantalan sa Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Ayon sa Public Information Office ng BOC, nakompiska ang kontrabando dakong 2 a.m. sa Brgy Logpond sa bayan ng Tungawan.

Sakay ang bigas sa sasakyang pandagat na M/L Tawi Tawi Princess.

Tumitimbang ng 25 kilo ang bawat sako ng bigas na hinihinalang galing sa Malaysia at ibiniyahe sa Sulu bago nakarating sa pantalan sa Zamboanga Sibugay.

Patuloy pang ina-alam ng BoC kung sino ang consignee ng kargamento at kung saan ito nakatakdang dalhin bago nakompiska.

Leonard Basilio